Chapter 2
SALVY
NAGISING ako na parang hinampas ng sampung dos pordos ang ulo ko sa sobrang sakit. Pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero kapag ginagawa ko yon ay tanging umiikot lang na paligid ang nakikita ko.
"Ughhhh." Napasabunot na lang ako ng mahigpit sa buhok ko ng mga ilang saglit lang ay nakapag-adjust na ang katawan ko pero andun pa din ang matinding pagod at pagkahilo.
"Shhhh. Don't make any noise, baka marinig ka niya."
Napaangat ako ng tingin sa nagsalita at nakita si Earth na nakasquat sa tabi ko at pinagmamasdan ang kalagayan ko.
Napairap na lang ako sa hangin sa inaakto ng isang to. Akala niya siguro madadala ako sa bait baitan effect niya. Neknek mo ulol may atraso ka pa sakin damuho ka!
Pumikit na lang ulit ako at hindi na nagsalita.
Bahala ka diyan huwag kang feeling close sakin.
Narinig ko ang kaluskos ng paggalaw niya at ilang saglit lang ay rumihestro sa ilong ko ang mabangong aroma ng pagkain. Bigla tuloy kumalam yung sikmura ko.
"Eto kumain ka muna. Alam kong gutom ka na."
Hindi pa din ako nagsasalita kahit na gustong gusto ko ng hablutin sa mga kamay niya ang pagkain at lantakan ng lantakan.
"Look, I'm sorry. Hindi ko ginusto yung ginawa ko sayo kanina. I have to do it or else mas malala pa ang gagawin niya sayo."
Hindi ko pa din siya pinansin at pumikit na lang ulit para sana makatulog pero ang pesteng asul na buhok na to ginamitan na naman ako ng kakayahan niya.
Putspa naman oh hindi ba alam ng isang to ang freedom of will?!
"I command you to sit and eat this damn food." Maawtoridad na pagkakasabi niya at ang taksil kong katawan ay agad na sumunod sa gustong ipagawa sakin ng lalaking to kahit na labag na labag sa kalooban ko.
Para akong nakikipagkarera sa pagkain ko dahil todo subo at lunok na lang ata ang ginagawa ko. Nakangiwi naman si Earth habang pinapanood ako at muli na naman siyang nagbitiw ng utos niya sakin.
Namumuro na talaga to ah! Eh kung siya kaya utus utusan ko diyan!?
"Eat properly. I command you."
Napalitan na naman ng matingkad na kulay ginto ang itim ng mata niya at saka dahan dahan kumilos ang katawan ko at nagsimula na akong kumain ng maayos.
"Hindi mo ba alam yung salitang pakiusap? Puro ka utos ng utos, hoy hindi kita amo ha. Inamo!"
Bumuntong hininga lang siya saka sumandal sa pader at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Pasensya ka na, nasanay na kasi ako na lahat ng sinasabi ko nasusunod."
Napaismid naman ako sa sinagot niya sakin. Huminto muna ako sa pagkain ko at nilunok ang pagkain sa bibig ko saka uminom ng tubig at tinitigan siya.
"Sino ka ba talaga? Sino kayo? Bakit napapasunod mo ako sa lahat ng gusto mo? Bakit yung poging daddy may pangil ikaw wala? At higit sa lahat bat walang extra rice tong kinakain ko? Tinitipid niyo ba ako ha?! Ang kapal naman ng mga pagmumukha niyong kidnapin ako tapos wala pala kayong budget para sa ipapalamon sakin?"
Nakakunot noo siyang tumingin sakin saka umirap. Nagulat pa ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako ng naglabas siya ng isang plastic na may dalawang takal na extra rice mula sa bulsa ng jacket niya.
"Aba tignan mo nga naman susulutin mo pa talaga yung kanin ko ha!"
Aabutin ko na sana yung plastic pero mabilis niya itong inilayo sa akin.
"I'm Earth..."
"Pake ko."
"Si Master Seht ay..."
"Pogi, hot, at yummy alam ko na yon tapos ang..."
"Tito mo."
"Napapasunod kita sa lahat ng utos ko dahil yun ang ability ko."
Nakatulala lang ako sa kaniya habang pina-process ng utak ko lahat ng mga pinagsasabi niya.
Ability amputa! Pero wtf tito ko yung hot daddy na yon?!
"May pangil siya dahil isa siyang bampira at..."
Ngumiti siya sakin na labas ngipin at saka unti unting lumalabas ang mga matutulis niyang pangil. Para akong tinakasan ng dugo sa buong katawan ko.
Okay patay ako neto. Pero wait, diba sabi niya tito ko yung kasama niya kanina? Hindi naman siguro ako papatayin ng tito ko?
"FYI lang hindi ka namin tinitipid at lalong hindi ko sinusulot yang extra rice mo. Tinago ko lang for future purposes."
Napipi na ata ako sa kinauupuan ko dahil hindi ko maibuka ang mga labi ko para sana magsalita.
"Nasagot ko na lahat ng mga tanong mo, ngayon ako naman ang magtatanong. Gaano mo na katagal kakilala si Ashton?"
At talagang hindi pa siya nakuntento sa mga pasabog niya eto at may pahabol pa?!
Hindi ko siya sinagot dahil natatakot ako sa kung anong pwede nilang gawin kay kuya Ton. Kung paano niya nakilala si kuya ay hindi ko alam pero isa lang ang sinisiguro ko, poprotektahan ko si kuya.
"Bakit hindi ka sumasagot!? Sagut-"
"TUMIGIL KA!!!" Malakas na sigaw ko pero kasabay non ang pagtilapon ni Earth sa ere at ang malakas na paghampas niya sa pader ng gusali. Nagkaroon pa ng malalaking bitak ang pader dahil sa lakas ng impact ng paghampas niya dito.
Bumagsak sa sahig ang katawan ni Earth ngunit mabilis din naman siyang nakabangon at nakatayo ng tuwid. Tumutulo pa sa gilid ng labi niya ang dugo pero dinilaan niya lang yon na parang wala lang.
"Feisty huh." Madiin na sambit niya habang titig na titig sa akin.
Napaatras ako ng isang beses dahil sa tingin na ipinupukol niya sa akin. Putspa nakakatakot siya ngayon pero bat ang ganda niya pa din tignan?
"Kneel."
Isang bigkas lang niya at nakaluhod na ako ng hindi ko namamalayan.
Fuck ambilis nun ah!
Marahan siyang lumapit sa akin at ng nasa tapat ko na siya ay isang malakas na mag-asawang sampal ang ginawad niya sa mga pisngi ko.
"PUTANG INA PROBLEMA MO!!"
"Rise."
Hindi ko na naman namalayan na nakatayo na agad ako. Kakaiba ang mga pag-uutos niya ngayon pati isipan ko hindi kayang kontrahin ang gusto niyang ipagawa sakin.
Pucha delikado ako dito sa isang to!
"Follow me."
Nakasunod lang ako sa likuran niya habang naglalakad kami palabas sa building na to.
"Stay here."
Wala akong nagawa ng kusang naestatwa ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Tangina hindi ako robot o puppet!
Naiwan ako mag-isa dito sa likod ng building. Ilang mga sandali pa ang hinintay ko at may isang itim na kotse na ang dumating. Lumabas sa driver's seat si Earth naglakad patungo sa tapat ko.
"Let's go."
Pagkatalikod niya ay binelatan ko siya at inambangan pa ng suntok. Makakaganti din ako sayo tsk!
Sumunod na lang ako sa kaniya ng matiwasay dahil hindi naman na siya nagsasalita pa. Ano kayang nangyari dito?
Pagkasakay sa passenger's seat ay agad ng pinatakbo ni Earth ang kotse. Isang nakakabinging katahimikan ang pumaibabaw sa pagitan namin dalawa at hindi na ako nagtangka na kausapin siya o gumawa ng topic.
Napapansin ko na medyo liblib na itong tinatahak ng sasakyan namin dahil na din sa mga malalagong puno sa paligid ng kalsada.
"Teka teka saan mo ba ako dadalhin ha?"
Nag-aalalang tanong ko. Sumulyap lang siya sakin saglit pero binalik na ulit ang tingin sa daan.
Aba bastos to ah! Apaka walang modo!
"Sasabihin mo ba sakin kung saan mo ako dadalhin o kailangan pang dumanak ang dugo dito sa loob ng kotse mo?" Pagbabanta ko sa kaniya.
Napangisi naman ang gago bago hininto ang sasakyan at humarap sakin. Okay, balik na naman siya sa nakakatakot mode niya hehe.
"Didn't I just told you that we're vampires? We love blood. I drink blood and yours is not an exception."
Napalunok ako ng laway sa sinabi niya at ngumit ng alangan.
"Hindi niyo naman siguro ako gagawing pagkain niyo diba?"
"It depends."
"ANONG IT DEPENDS KA DIYAN!? BABABA NA AKO DITOOO!!"
"SHUT UP!"
Parang nabingi ata ako sa lakas ng sigaw niya. Nakatakip pa ang dalawang kamay ko sa magkabilang tenga ko at nakangiwi.
Jeskelerd ikaw na po ang bahala sakin kung gagawin man nila akong ulam sana embotido na lang paborito ko kasi yun at kung kakatayin man nila ako sana wag yung kagaya sa ginagawa sa mga baboy na ginigilitan sa leeg tapos dinedrain yung dugo huhu.
Muli na naman niyang pinatakbo ang sasakyan at ang utak ko gumagawa na ng plano kung paano tatakas dito sa lalong madaling panahon.
Sinubukan kong buksan ang pintuan sa tabi ko pero naka-lock pala ito.
Putspa naman kasi ano bang naisip ko at sumama ako sa kaniya?!
Naiiyak na ako at super hopeless na talaga ng biglang huminto ang sasakyan namin sa gitna ng maalikabok na kalsada. Agad akong napalingon kay Earth at kitang kita ko sa ekspresyon ng mga mata niya na hindi niya nagugustuhan ang sitwasyon namin ngayon.
Napatingin ako sa harap ng may dalawang kotse ang humarang sa tinatahak namin. Lumingon naman sa likod si Earth at bilang isa akong dakilang walang pakialam sa mundo ay nakilingon na din ako at nakita kong may isa pang kotse na nakaharang naman sa likod.
Lumabas sa kotse ang dalawang gwapong lalaki na parehas nakatopless pa at ang nakapagtataka parehas pa silang nakatitig sakin at nakangiti.
Shet bat ampopogi nila?! Pero wait paano nila ako nakikita eh heavy tinted tong sasakyan?
Nakakunot noo naman akong tumingin sa harap at halos malaglag ang suot kong t-back charr eh parang mga modelo naman kasi yung tatlong lalaki na nakaambang sa harap!
Bakat na bakat yung mga muscles nila sa katawan lalo na yung pinakamatangkad sa kanila na nakasuot lang ng sando na sobrang laki ng hiwa sa magkabilang side kaya kitang kita ang magandang hubog ng katawan niya.
"Fuck! Anong ginagawa ng mga magkakapatid na ito dito!"
Kitang kita sa magandang mukha ni Earth ang frustration at anumang oras ay sasabog na ito. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o matatawa kasi naman yung itsura niya parang yung feeling na natatae ka na pero yung teacher niyo hindi pa tapos magdiscuss tapos nakatutok pa sayo yung electric fan na naka-set pa sa number three yung lakas.
"Inuutusan kitang huwag na huwag kang lalabas dito at kahit na ano pang sabihin o gawin nila sayo ay hinding hindi ka sasama sa kanila."
Kung kanina matingkad na ginto lang ang kulay ng mga mata ni Earth ngayon literal na ginto na ang mata niya na kumikislap pa. Ramdam ko ang pagbuhos ng kakaibang init sa buong katawan ko at wala sa sariling napatango ako sa mga sinabi niya.
Hindi pa din nawawala ang kulay gintong mata ni Earth ng lumabas siya sa kotse at hinarap ang tatlong lalaki na ngayon at nakapalibot na sa kaniya.
Nanonood lang ako mula dito sa loob ng sasakyan at kita ko ang ekspresyon ni Earth habang kausap ang lalaking pinakamatangkad sa kanila. Kung titignan ng maigi wala talagang kalaban laban si Earth sa kanila.
Nagmistulang bata si Earth dahil abot lang siya sa dibdib ng mga lalaki. Halos kasing tangkad na kasi ng lima yung tito ko daw na super hot. Idagdag pa natin na puro sila maskulado tapos si Earth ayun parang wala ngang muscles sa katawan gaya ko kasi naman hubog pangbabae yung samin.
Kitang kita ko ang inis na bumabalatay sa maganda niyang muka sa tuwing sumasabat sa usapan yung isang lalaki na nakatopless na galing sa kotse sa likod kanina. Seryoso kasing nag-uusap sila Earth at yung pinakamatangkad sa kanila tapos eto naman si topless guy in a blonde hair singit ng singit.
Nagkakainitan na sa mga pagitan nila at feeling ko nagbabatuhan na silang dalawa nung topless #1 ng mga insulto hanggang sa may nasabi ata si Earth na ikinagulat nung kuyang topless na nakablonde hair kaya napanganga na lang ito bakas na bakas sa gwapong mukha nito ang matinding galit at poot. Natahimik silang lahat.
Ilang saglit pa ay akmang aatake sana yung isa ding topless na kamukha nung topless #1 pero nilingon lang ito ni Earth at agad na itong napaluhod. Kitang kita sa mukha niya ang sobrang pagkainis at ang pagpapalit palit ng kulay ng mata niya. From black to green, black to green tapos biglang magiging pure green pero agad din nawawala hanggang sa naging permanenteng itim na ulit ito. Titigan lang ang dalawa at isang malademonyong ngisi ang binigay ni Earth dito.
"Oh yes girl! Bitch ang sexy non!"
Hindi ko mapigilang komento dahil sa ginawa ni Earth. Ang lakas din kasi pala talaga ng ability niya at sobrang nakakabilib. Hindi man lang niya hinayaan na makapagpalit ng eye color yung topless #2.
Ewan ko ba pero bigla na lang akong kumakampi sa kaniya tsaka nakakabilib din kasi yung ginawa niya at promise ang sexy talaga tignan wahahaha!
Nangingiti lang ako dito sa loob ng kotse habang nagmamasid ng biglang inatake ng mga lalaki si Earth ng sabay sabay at pucha ang bibilis nila kumilos.
Pero bago pa makalapit ang lalaking pinakamatangkad sa kanila at ang isa pang lalaki na pang bad boy ang datingan dahil sa earing nito sa tenga at silver necklace ay bagsak na agad sila sa lupa habang hingal na hingal.
Ganyan din yung nangyari sakin ah!
Buti na lang at mabilis din ang galaw at reflexes ni Earth kaya agad siyang nakakaiwas sa mga atake ng dalawa pang lalaki na nakatayo. Gusto ko sanang lumabas para tulungan siya pero etong katawan ko nakadikit na ata sa kinauupuan ko.
Nakita kong aatake mula sa likuran ni Earth yung topless #1 habang sinasalag naman niya ang atake na nagmumula sa isang lalaki na nakasalamin. Mabilis na nahawakan ni Earth sa palapulsuhan ang lalaking nakasalamin at malakas na pinihit ang braso papunta sa likuran nito sabay sabunot sa buhok niya.
Pinatingala niya ang nakasalamin paharap kay topless #1 kaya napatigil ito sa akmang pag-atake niya. Grabe ang bibilis ng mga pangyayari pero buti na lang at nasusubaybayan pa ng mga mata ko.
Tila naestatwa na din si kuya blonde sa kinatatayuan niya habang nagpapalipat lipat ng tingin kay Earth at sa bihag nito.
Napadako ang tingin ko sa mga nakahandusay na lalaki at bigla akong nakaramdam ng kaba ng tumayo yung kuya na pinakamatangkad sa kanila at marahan na naglalakad sa pwesto ni Earth.
Kita ko ang pagtulis ng mga kuko nito at ang pagtutok ng mga ito sa mismong leeg ni Earth.
"PUTANG INA EARTH TUMAKBO KA NA LANG!!!"
Kinakalampag ko na ang loob ng kotse para sana kahit paano may magawa ako pero hayop wala din naman naiambag tong pinaggagawa ko.
"PUTA BITAWAN NIYO SIYA!!!"
Halos maputol na ang litid sa leeg ko dahil sa lakas ng pagsigaw ko at nagulat pa ako dahil sabay sabay sila napatingin sa direksyon ko. Alam kong creepy pero shuta kahit naman na inis na inis ako kay Earth hindi pa din nawawala yung pag-aalala ko sa kaniya.
Hindi ko nga alam kung bat ba ako nag-aalala diyan.
Sinenyasan naman ni kuyang matangkad yung topless #1 at nagsimula na itong maglakad papunta sa pwesto ko. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng passenger seat ay sinubukan niya itong buksan pero nakalock pa din ang pinto.
Kita ko ang pagpalag ni Earth sa kuyang matangkad pero mas diniin lang ni kuyang matangkad yung kuko niya sa leeg nito.
Pilit pa din binubuksan ni kuyang blonde ang pintuan pero siguro dahil sa inis nito ay hinatak niya na lang ng malakas ang pintuan kaya nahiwalay ito ng buong pwersa mula sa kotse at walang kahirap hirap niya itong tinapon sa likod niya na parang plastic bottle lang.
Nakangiti siyang naglahad ng kamay sakin pero hindi ko magawang abutin ang kamay niya. Parang nakasalalay ata sa pwesto ko dito sa kotse ang buong buhay ko dahil ayaw talaga ng katawan ko na bumaba dito.
"Sumama ka na samin bunso, uuwi na tayo." Nakakalagalag bra yung mga ngiti ni kuya blonde pero putspa sisz wala talagang epek parang mas inlove na inlove pa ako sa letseng kotseng to dahil ayaw talaga ng katawan ko na humiwalay dito.
"Bunso anong problema? Uuwi na tayo, alam kong mahihirapan kang intindihin lahat ng pangyayari pero susubukan namin na iexplain sayo ng mabuti. Bago yan, sumama ka na samin kanina ka pa hinihintay ni dad." Pagsusumamo ni kuya topless #1.
Litong lito na ako kasi una sa lahat anong BUNSO?! tapos may pa DAD PA?!
"Si-sino ka ba kasi?"
Napabuntong hininga na lang si kuya yummy pero pagkaraan ng ilang saglit tumingin ito sa mga mata ko at ngumiti.
"I'm Zero and I'm one of your brothers."
Napatulala na lang ako sa kaniya at muli siyang naglahad ng kamay sakin. Pero gaya din nung una hindi ko iyon tinanggap at kumapit pa ako ng mahigpit sa seatbelt.
Ang masigla at mainit na ekspresyon sa guwapo niyang mukha ay napalitan ng isang malamig at matigas na ekspresyon. Tumayo siya ng tuwid at sumenyas kay kuyang matangkad.
Tumingin din ako sa pwesto nila at nakatayo na pala lahat ng mga lalaki at si Earth na ngayon ang bihag nila.
Ginto pa din ang kulay ng mga mata ni Earth at titig na titig siya sakin. Kakaibang init ang dumadaloy sa mga ugat ko dahil sa titig niya. Clarification lang ha baka ibang init nasa utak niyo, hindi po iyon yun.
"Release him from your command." Nanggagalaiting tugon ni kuya Zero.
Ngumisi lang si Earth at hindi inilalayo ang tingin sakin.
"Run and never come back. I command y--"
Bago pa matapos ni Earth ang sasabihin niya ay agad na siyang sinakal nung isang nakatopless at siniil ng mapwersang halik.
Kahit ano pang pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi niya kinakaya ang lakas ni kuya topless #2. Oh well, malakas nga ang ability niya mukang binawi naman sa physical strength.
Natapos ang halikan nila na nagdudugo at putok ang mga labi ni Earth. Mabilis naman yun naghilom pero puta yung mga mata ng mga lalaking ito iba na yung mga kulay!
Si Zero kulay yellow, yung kamukha niya kulay dandelion, si kuyang bad boy naman ay light blue, samantalang yung nakasalamin naman ay green. Yung pinakamatangkad kulay pula na parang sa dugo.
Lahat sila nakatingin sa dugo na nasa labi ni Earth na agad naman niyang pinunasan at nag-iwas ng tingin. Mahigpit naman siyang sinakal ni kuyang matangkad na bumalik na sa dati ang kulay ng mata bago nagsalita.
"Pakawalan mo na siya sa utos mo o pupugutan..."
"Kahit patayin mo pa ako hinding hindi ako susunod sayo!"
"Kahit na gawin ko yun hindi sayo kundi sa kuya mo?"
"Huwag niyong idadamay si kuya dito!!"
"Then just fucking release my little brother!"
Parang tuta na napatigalgal si Earth at nanginginig sa takot. Tumingin siya sakin at lumuluhang nagsalita.
"Be free from my command." Halos hindi ko na marinig ang boses niya dahil sa sobrang hina pero andun pa din ang lambing.
Ang init na kanina ko pa nararamdaman ay biglang naglaho. Guminhawa din yung pakiramdam ko at para akong nakahinga ng sobrang luwag.
Naglahad ulit ng kamay sakin si kuya Zero na ngayon ay malugod ko ng tinanggap. Hindi pa din ako naniniwala na kapatid ko sila pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Hindi man sila kilala ng isipan ko pero yung puso ko parang sobrang pamilyar na sa kanila at ang gaan gaan ng pakiramdam ko pagdating sa kanila.
Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa pwesto nila Earth. Awang awa talaga ako sa sitwasyon niya ngayon hindi ko na talaga maintindihan yung sarili ko.
"Mga kuya baka pwede niyo na siya pakawalan?" Nag-aalangan kong tanong.
Sabay sabay naman silang umiling sakin.
"Pasensya na bunso pero si dad lang ay may kakayahan para magdesisyon sa kung anong kahahantungan niya."
Napalunok ako sa sinabi ni kuyang nakasalamin at nakaramdam ng takot para kay Earth. Wala na ang sigla sa mukha nito at balik na sa dati ang mga mata niya pero kahit na ganon maganda pa din siya letche!
"Tara na bunso at ng makapagpahinga ka na din."
Tumango na lang ako sa sinabi ni kuya Zero. Hinila niya ako patungo sana sa sasakyan sa likod ng pigilan siya ni kuyang bad boy.
"Sa amin na siya sasabay bro."
"Anong sa inyo? Kita mo ba ha Zephyr na mas komportable siya sakin?"
"Tama si kambal bro samin na sasabay si baby bunso." Nangingiting sabi naman nung kakambal ni kuya Zero.
"Kuya Zolt huwag mong sasabihin na papayag ka sa kanila?" Tanong nito kay kuyang matangkad na Zolt pala pangalan.
"Wala naman sigurong masama kung sa kanila sasabay si bunso?" Sagot naman ni kuya Zolt.
"Hoy Zephyr sakin ka na sasabay, si kuya Zolt na ang bahala sa isang to." Sabat naman nung nakasalamin.
"Puta bat naman ako sasabay sayo? Mahawaan pa ako sa pagiging adik mo sa libro!"
"Kapal ng mukha mong murahin ako eh mas matanda pa ako sayo! Kuya mo ako ulol!"
"Huwag nga kayong mag-away nakakahiya kay bunso!" Sigaw naman ni kuya Zero sa tabi ko.
Feel ko nga out of place na kami ni Earth dito eh.
"Bahala na kayo diyan. Mauuna na kami nila Ziro (zay-ro) at bunso." Sabay hatak sakin ni kuya Zero papunta sa sasakyan nila.
Sa passenger ako nakasakay habang magmamaneho naman si kuya Zero at si kuya Ziro kung tama ang pagkakadinig ko ang nasa backseat.
Pinaandar na ni kuya ang sasakyan at umikot ito pabalik sa daan na tinahak namin kanina ni Earth.
"Ahmm kuya? Pansin ko lang po ah anong meron sa Z at pulos yun yung first letter ng mga pangalan niyo?"
"Huh? Eh diba Z din naman first letter ng name mo bunso?" Natatawang singit naman ni kuya Ziro.
"Anong Z ka diyan kuya S kaya yung akin."
"Huh? Pano naging S eh Zalvy nga yung binigay na pangalan sayo ni mom." Sagot naman ni kuya Zero.
"Ay puta!?" Hindi ko mapigilang mura kasi naman all this time ang akala kong pangalan ko Salvy yun pala Zalvy pero pucha mas gusto ko pa din yung Salvy no.
Pero sabi naman kasi ni lola Inneng kaya Salvy daw yung pangalan ko kasi yun daw yung nakaburda sa lampin na nakabalot sakin nung baby pa ako.
"Sandali nga po! Paano niyo na nga ulit nalaman na kapatid niyo ako?" Nagtatakang tanong ko.
"Ikukwento namin sayo pagdating natin sa mansion bunso."
~~~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento